Friday, November 25, 2016

LALAKING SANGGOL, INIWAN SA WELL-WISHER NG ISANG DUMATING NA PASAHERONG BABAE MULA JORDAN

Isang lalaking sanggol na kagagaling lamang mula Amman, Jordan ang iniwan ng kanyang ina sa isang well-wisher sa NAIA Terminal 1.
Bukod sa tatlong buwang gulang na sanggol na si Baby Ahsan, iniwan din ng ina nitong si Vilma Pacilbas Lastima ang ilang damit at gatas ng bata.
Iniwan din ni Lastima ang kanyang passport sa well-wisher na si Myrna Pasacao Buenaobra ng Las Pinas City.
Walang passport si Baby Ahsan subalit siya ay mayroong travel document na may numerong 081607.
Si Lastima, taga-Davao ay dumating sa bansa bago maghatinggabi kanina sakay ng Etihad Airways kasama ang sanggol.
Nasa kustodiya ngayon ng Airport Police Department ang sanggol at ito ay nakatakdang i-turnover sa Department of Social Welfare and Development (DSWD



No comments: